Beep Card, magagamit na rin sa LRT1 northbound simula bukas

beep cardSa wakas ay magagamit ng mga pasahero ang Beep Card sa lahat ng istasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 northbound simula bukas, September 20.

Ayon sa AF Payments Inc., ganap na ang magiging implementasyon ng kanilang Tap-and-Go payment system sa buong LRT-1 matapos ang 6 na linggong paunang implementasyon nito sa LRT southbound at LRT-2.

Ani Peter Maher, Chief Executive Officer ng AF Payments, nagtulong-tulong ang kanilang technical and operations team, ang Department of Transportation and Communications at ang Light Rail Transit Authority sa masusing paghahanda sa nasabing sistema upang masulit na ng mga pasahero ang paggamit sa kanilang mga Beep card sa lalong madaling panahon.

Aniya, ikinagagalak nilang ipaalam sa publiko na handang handa na sila na i-activate ang bagong ticketing system bukas sa lahat ng northbound stations ng LRT-1.

Samantala, inaasahan naman ang launch ng Beep card sa Metro Rail Transit Line 3 sa mga susunod na linggo.

Read more...