Pinakakalma ng Malacañang si Vice President Leni Robredo sa pagsusulong mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na revolutionary government.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi dapat na mabahala si Robdero dahil malinaw ang pahayag ng pangulo na walang sapat na basehan para ideklara ang Revolutionary government sa kasalukuyan.
Dagdag ni Roque, saka lang naman magdedeklara ang pangulo ng revolutionary government kapag lupaypay na o naghihingalo na ang gobyerno.
Pero sa ngayon ayon kay roque maayos pa naman ang lagay ng bansa lalo’t buo pa ang suporta ng taong bayan sa pangulo.
Sinabi pa ni Roque na ang revolutionary government ang huling alas na maipangbabala ng oposisyon laban sa pangulo.
Payo ni Roque sa oposisyon, tapusin na ang pagsakay sa isyu ng revolutionary government at humanap na ng ibang isyu.