Lacson: Oplan Tokhang hindi mawawalan ng pondo

Inquirer photo

Tiwala si Senator Panfilo Lacson na maaring paghugutan ng pondo ni Pangulong Duterte ang special purpose funds para sa Oplan Double Barrel.

Sa panayam sa Kamara, sinabi ni Lacson na aabot sa P75 Billion ang special purpose funds para sa susunod na taon.

Paliwanag ng Senador, maaari itong gamiting contingency fund ng pangulo sa oras na matuloy ang plano nito na ibalik sa PNP ang war against drugs ng pamahalaan.

Pahayag ito ni Lacson matapos na alisin ng Senado sa kanilang bersyon ng proposed P3.7 Trillion 2018 national budget ang P900 Million na para sana sa Oplan Tokhang ng PNP.

Ang P900 Million na para sa Oplan Tokhang ng PNP ay inilipat ng Senado para sa housing project ng Armed Forces of the Philippines at PNP.

Read more...