Nagsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang balak na pamunuan ang isang revolutionary government.
Ngunit ang mga sumusuporta sa kaniya ay patuloy itong isinusulong at ito ang labis na ikinababahala ni Vice President Leni Robredo.
Tanong ni Robredo kung maari bang papanagutin sa batas ang mga lalahok sa revolutionary government?
Giit pa ni Robredo ang mas lubhang nakakabahala ay may ilang opisyal pa mismo ng gobyerno ang pabor sa naturang hakbangin, na maituturing na pag aaklas laban sa isang lehitimong gobyerno.
Kinumpirma din nito na may nakakarating na rin sa kanyang mga impormasyon na may nagaganap ng recruitment para sa mga susuporta sa isang revolutionary government.
Ayon kay Robredo dapat panindigan ni pangulong rodrigo duterte na tutol siya sa isang revolutionary government para batid ng taumbayan ang kanyang posisyon.