Rally ng iba’t ibang grupo kaugnay sa Rev Gov gawing mapayapa ayon sa Malakanyang

Kuha ni Ricky Brozas

Humihirit ang Malakanyang sa iba’t ibang grupo na nagsasagawa ng rally ngayong araw para sa revolutionary government na tiyaking mapayapa at maayos ang kanilang pagkilos.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw ang mensahe ng Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw niyang ilatag ang revolutionary government.

Inquirer Photo | Noy Morcoso

Nilinaw din ni Roque na hindi naman hinahadlangan ng Malakanyang ang mga pagkilos ng iba’t ibang grupo na gustong magpahayag ng kanilang mga saloobin ukol sa Rev Gov.

Nakaantabay lamang aniya ang mga pulis sa mga pinagdarusan ng rally para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

Sa Maynila, dalawang magkahiwalay na protesta ang isinagawa ng mga grupong pabor at tutol sa pagbuo ng Rev Gov.

 

 

 

Read more...