50 bahay sa Manadaue City Cebu, nasunog

fire-defaultDahil sa napabayaang ceiling fan na nag-overheat, natupok ng apoy ang 50 bahay sa Sitio Lapyahan, Barangay Labogon, Mandaue City.

Patuloy pa ring binibilang ng Mandaue City Social Welfare Service (CSWS) ang kabuuang dami ng mga pamilyang naapektuhan ng sunog, gayunpaman ayon sa kanilang pinunong si Violeta Cavada, mayroon nang 35 pamilya o 154 katao ang naitala kaninang tanghali.

Inilikas ang mga biktima at ngayo’y pansamantalang nanunuluyan sa barangay hall at multi-purpose hall ng Labogon.
Ayon naman kay Mandaue City fire investigator SFO2 Cipriano Codilla Jr., nag-simula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Melecio Ladraga dahil sa ceiling fan sa kaniyang kwarto na nalimutan niyang patayin at nag-overheat bandang 10:14 kagabi.

Nasa unang palapag ng kanilang bahay si Cordilla nang sumiklab ang apoy kaya hindi niya agad ito napansin. Huli naman na nang madiskubre niya ito dahil agad na kumalat ang apoy sa ikalawang palapag na kalauna’y ikinadamay ng mga kalapit na bahay na gawa sa mga light materials.

Umabot sa Task Force Alpha ang sunog bago maitalang under control ng 11:03 kagabi.

Tinulungan ng ilang bumbero mula sa Cebu City, bayan ng Consolacion at iba pang volunteer groups ang Mandaue City fire department na umaming nahirapang tunguhin ang lugar na pinangyarihan ng sunog dahil sa makipot na daan at mga sasakyang nakaparada sa magkabilang bahagi ng mga kalsada.

Read more...