Riding in tandem, arestado matapos mangholdap ng babae sa Tondo, Manila

Kuha ni Mark Makalalad

Wala nang mukhang maiharap ang dalawang lalaki na naaresto matapos mangholdap at magnakaw ng cellphone mula sa isang babeng pasahero ng jeep sa Juan Luna St, Tondo, Manila.

Nakilala ang mga suspek na pawang mga tricycle driver na sina Sonny Romawak, 31 at Michael Gallaza, 22.

Kwento ng biktima na si Alyas Jen, pauwi na sana siya ng kaniyang bahay galing trabaho nang huminto ang jeep na sinsakayan nya at bigla syang tutukan nang kutsilyo ng riding in tandem at pwersahang kinuha ang cellphone nya.

Agad na bumaba ang biktima sa jeep at nagpasaklolo sa mga tao malapit sa lugar kung saan isang ‘good samaritan’ ang tumulong sa kaniya at dinala sya sa kagawad ng barangay.

Itinembre naman ng kagawad sa Manila Police District Station 7 ang insidente na tyempo namang nagpapatrolya sa lugar.

Insiip ko po kasi hindi pa bayad yun eh. Nagt trabaho ako para bayaran lahat ng mga kinikuha ko para sa pamilya ko at sarili ko kaya nilakasn ko na lang loob ko

Naaresto ang dalawa sa Brgy. 152 na nagpapahinga at tila nag-aabang pa ng kanilang susunod na mabibiktima.

Samantala, nagpaalala naman ang otoridad sa mga ganitong klaseng modus lalo na’t malapit na ang Pasko.

 

 

 

 

 

Read more...