Bilang ng bagong kaso ng HIV, umabot sa 1,962 sa loob ng 2 buwan

 

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng kabuuang bilang ng 1,962 na bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas sa loob lamang ng dalawang buwan.

Base sa datos ng HIV/AIDS Registry of the Philippines ng DOH, umabot sa 858 ang kasong naitala noong Hulyo habang pumalo naman sa 1,104 ang naitala pagdating ng Agosto.

Sa nasabing bilang, 118 ang naitalang namatay, habang 250 na kaso naman ang nauwi sa full-blowen Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).

Samantala, nakasaad din dito na kabuuang 1,892 ng mga kasong naitala ay naisalin sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

Sa 1,146 na kaso naman, 512 dito ang nakuha sa homosexual contact, 512 sa pamamagitan ng bisexual contact at 234 heterosexual contact.

Nasa 35 na kaso naman ng HIV ang nakuha sa pamamagitan ng paggamit ng infected na karayom, habang pitong kaso ang nakuha dahil sa mother-to-child transmission.

Naitala ang pinakamaraming bilang ng kaso sa National Capital Region, na sinundan ng Calabarzon at saka ng Central Luzon, Central Visayas at Davao region.

Sa ngayon simula 1984, 46,985 na ang kaso ng HIV na naitala sa buong bansa, na kinabibilangan ng 4,556 na kaso ng AIDS at 2,303 na pagkasawi.

Read more...