CJ Sereno, balak kasuhan ng graft ni Gadon

 

Hindi pa man tuluyang nai-impeach si Chief Justice Maria Lourdes Sereno, may plano na si Atty. Larry Gadon oras na mangyari ito.

Balak kasi ni Gadon na magsampa ng kasong graft and corruption laban sa Punong Mahistrado dahil sa umano’y P10 milyong halaga ng kontrata sa isang information technology (IT) consultant na inaprubahan ni Sereno.

Ayon kay Gadon, pangungunahan niya ang pagsasampa ng mga nasabing kaso dahil malaking halaga ang nabawas sa kaban ng bayan dahil sa gastusin na wala namang legal na basehan.

Ang basehan ni Gadon sa kasong binabalak niyang isampa laban kay Sereno ay ang isang ulat kung saan nakasaad na inirekomenda ng Korte Suprema ang pagpapawalang-bisa sa serbisyo ng isang IT consultant dahil sa anomalya sa procurement process.

Kasama na ang nasabing isyu sa kaniyang impeachment complaint laban kay Sereno, ngunit desidido pa rin si Gadon na magsampa ng hiwalay na kaso dahil kumpyansa siyang maaalis sa pwesto ang punong mahistrado.

Read more...