Lubos ang pasasalamat ni Vietnam Ambassador to the Philippines Ly Quoc Tuan sa gobyerno ng Pilipinas sa nakatakdang pagpapauwi sa limang mangingsida sa kanilang bansa.
Ito ay matapos pangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang send-off ceremony para sa lima na nahuli ng mga awtoridad na nangingisda malapit sa Cape Bolinao noong Setyembre.
Bukod dito, tiniyak din ng opisyal na hindi maghahain ng kaso ang pamahalaan ng Vietnam laban sa Philippine Navy sa pagkamatay ng dalawa pang poachers.
Matatandaang personal na humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte hinggil sa insidente kay Vietnamese President Tran Dai Quang sa kanilang pagpupulong sa sidelines ng APEC Summit sa Da Nang, Vietnam.
Samantala, ayon pa rin kay Ly Quoc Tuan, maganda ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam.
Naniniwala anya siya na habambuhay na tatanawin ng limang mangingisda ang kabaitang ipinamalas ng president at ng mga awtoridad.