5 ang kumpirmadong patay kabilang na ang apat na bata makaraang sumiklab ang sunog sa residential area sa Arlegui St., Quiapo Maynila.
Ayon kay Senior Inspector Reden Alumno ng Bureau of Fire Protection- San Lazaro, natagpuan ang mga bangkay sa loob ng isang bahay ng isang Ashliya Dacu kung saan sinasabing nagsimula ang apoy.
Nadamay din sa sunog ang isang lalaki na nagngangalang Michael na pumasok sa gusali at sinubukang iligtas ang mga bata.
Samantala, patuloy naman na pinaghahanap pa ng BFP ang isang bata na sinasabing na-trap sa natupok na tahanan.
Tinatayang nasa 50 pamilya ang naapektuhan sa sunog na umabot sa ikalawang alarma.
Ganap na naapula ang sunog dakong alas 11:30 ng gabi
Inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng apoy at kabuuang halaga ng natupok./Mark Makalalad
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 29, 2017