Ang naturang mga video na mula umano sa lider ng isang far-right British party ay nagpapakita ng karahasan ng isang grupo umano ng mga Muslim sa ilang kabataan hanggang sa ito’y mamatay.
Ang isa pa sa mga video ay kakikitaan rin ng pagsira sa mga rebulto ng mga Kristiyano.
Mula umano sa lider ng isang anti-immigrant Britain First group ang mga video na una nang naaresto noong Setyembre dahil sa pagpapakalat ng mga anti-Muslim paraphernalia.
Dahil naman sa pag-retweet ni Trump sa mga ‘hate videos’ maraming mga netizens ang bumatikos sa pangulo ng Amerika.
Kabilang na dito si British Prime Minister Theresa May.
Ayon sa statement mula sa tagapagsalita ni Prime Minister, mali ang ginawang ito ni Trump.
Ilang miyembro rin ng British Parliament ang bumatikos sa naging hakbang ni Trump.