Sa paggunita ng ika-154 kaarawan ni Andres Bonifacio, inanunsiyo ng iba’t ibang militanteng grupo na maglulunsad sila muli ng malawakang protesta para singilin ang mga napapakong pangako ng Pangulo at ang kanyang mga hakbang na lumalabag sa mga karapatang – pantao.
Sinabi ng mga militante na ang kanilang pagkilos ay tugon sa mga gagawing pagkilos para isulong ang isang revolutionary government at anila hindi na sila naniniwala sa mga pagtanggi o paglilinaw ng Punong Ehekutibo.
Ayon sa militanteng grupo, mismong si Pangulong Duterte ang nagsisilbing banta hindi lang sa demokrasya kundi sa mismong kanyang posisyon.
Sinabi ng mga militanteng grupo na hindi bababa sa 5,000 ang bilang sa kanilang hanay na magma-martsa para sa demokrasya mula sa Welcome Rotunda hanggang sa Mendiola.