Duterte sa mga sundalo: Patayin agad ang mga armadong NPA

 

Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo na agad na paputukan at patayin ang mga armadong miyembro ng New People’s Army na kanilang makakaengkwentro sa mga operasyon.

Ayon sa pangulo, mas makabubuti pa na ang mga rebelde ang mapatay sa halip na mga sundalo kaya’t dapat na unahan na ng mga ito ang kalaban.

Pagtitiyak pa ng pangulo, siya ang mananagot sa taumbayan para sa mga sundalong makakapatay ng rebelde.

Wala rin aniyang kailangang ipaliwanag sa mga human rights groups ang mga sundalo ito dahil siya mismo ang aako ng responsibilidad.

Matatandaang noong nakaraang linggo, nag-isyu si Pangulong Duterte ng Proclamation No. 360 na opisyal na nagpuputol sa usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front.

Inihahanda na rin ng pangulo ang isang executive order na magdedeklara sa CPP-NPA-NDF bilang isang terrorist group.

Read more...