Ayon sa inilabas na memo ni NBC News President Andrew Lack, nakatanggap sila ng detalyadong reklamo mula sa isang colleague tungkol sa inappropriate sexual behavior ni Lauer.
Aniya, matapos ang seryosong pag-review sa alegasyon kay Lauer ay kanilang nakita ang paglabag nito sa standards ng kumpanya.
Dahil dito ay kanilang napagpasiyahan na tanggalin na si Lauer.
Inanunsiyo ng co-host ni Lauer na si Savannah Guthrie sa “Today” ang nasabing balita.
Ayon kay Guthrie silang lahat ay heartbroken sa naturang balita.
Ang naging pasya ng NBC ay kumakatawan sa ilang halimbawa ng pre-emptive action kaugnay ng mga sexual harassment complaints bago pa maisapubliko ang mga naturang alegasyon.