Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, ang alegasyong ito ay batay sa kanilang imbestigasyon at ipinahayag ng biktima at ng suspek.
Giit ng hepe ng PNP, wala siyang nais na pagtakpan sa insidente.
Samantala, nanawagan din si Senior Supt. Glenn Dumlao, hepe ng PNP Anti-kidnapping Group (PNP-AKG) sa NBI na sa halip na kasuhan ng NBI ang pulisya ay makipatulungan na lamang ang ahensya.
Kahapon, nagbabala si NBI Director Dante Gierran na kakasuhan ang PNP kaugnay ng “unverified” information na makakasira sa kredibilidad ng ahensya.
Noong Lunes, ipinahayag ni Dela Rosa sa mga mamamahayag na posibleng sangkot umano ang mga ahente ng NBI sa pagdukot kay Lee Jung Dae sa Pampanga at nailigtas sa Maynila noong Sabado.