Panukalang 2018 nat’l budget, lusot na sa Senado

 

Inaprubahan na ng Senado ang panukalang P3.767-trilyong pambansang pondo para sa susunod na taong 2018.

Bumoto pabor sa nasabing panukala ang lahat ng 16 na senador sa deliberasyon, at walang ni isang kumontra dito.

Una nang naaprubahan ng Kamara ang kanilang bersyon ng 2018 General Appropriations Act na sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte, noon pang September 26.

Dahil dito, bagaman holiday, ngayong araw November 30 itinakda ang bicameral conference committee kung saan magpupulong ang mga senador at mga kongresista para maisapinal na ang panukala.

Pagkatapos nito ay isusumite na nila ang kanilang mapagkakasunduang bersyon sa Malacañang upang maaprubahan ng pangulo at tuluyang maisabatas.

Read more...