Sunog sumiklab sa lechon restaurant sa Quezon City

Tinupok ng apoy ang isang lechon restaurant sa La Loma, Quezon City.

Naganap ang sunog sa Barangay Paang Bundok na nag-umpisa alas 7:29 ng umaga.

Maliit na bahagi lamang ng restaurant ang naapektuhan ng sunog na umabot sa 2nd alarm.

Agad namang naapula ang apoy at naideklarang fire out alas 7:58 ng umaga.

Sa kabila ng insidente, nagpatuloy sa normal na operasyon ang restaurant.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...