Humarap na sa pagdinig ng house justice committee si Supreme Court Associate Justice Teresita De Castro para tumestigo sa impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay De Castro, ang pagharap sa komite ay oportunidad para sa kaniya upang maitama ang mga misinformation na kumalat kamakailan sa mga nagdaang pagdinig.
Maliban kay De Castro, humarap din sa pagdinig si Supreme Court Administrator Midas Marquez at ang clerk of court ng SC na si Atty. Felipa Anama.
Bigo namang makadalo sa pagdinig si Retired Justice Arturo Brion dahil masama ang pakiramdam nito.
Habang hindi rin dumalo si Associate Justice Francis Jardeleza.
READ NEXT
TRAFFIC ADVISORY: Monumento Circle, isasara sa mga motorista bukas para sa selebrasyon ng Bonifacio Day
MOST READ
LATEST STORIES