Sarado bukas sa daloy ng trapiko ang Monumento Circle sa Caloocan City para bigyang-daan ang aktibidad para sa paggunita ng 154th Birth Anniversary ni Andres Bonifacio.
Miyerkules pa lamang ng alas 6:00 ng umaga, November 29, nagkaroon na ng partial closure sa bahagi ng Monumento partikular mula sa Samson Road sa Rizal Avenue.
Bukas, November 30, mula alas 5:00 ng umaga ay sarado na sa daloy ng traffic ang Monumento Circle.
Apektado ng road closures ang mga sumusunod:
- Rizal Avenue extension mula sa 9th Ave.
- Samson Road mula Sangandaan
- Bahagi ng EDSA mula B. Serrano
- McArthur Hiway mula Caimito Road
Dahil sa nasabing closures, nagpa-abiso na ang Valenzuela City Government sa mga motorista galing sa lungsod at magtutungo sa Caloocan at Quezon City na humanap ng alternatibong ruta.
MOST READ
LATEST STORIES