Kinilala ang lalaking si Randy Fabrigas, tatlumput isang taong gulang.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, pumunta si Fabrigas sa isang tindahan para umutang ng alak. Nang malamang walang tindang alak ay nagalit at nagwala si Fabrigas.
Bumalik pa umano si Fabrigas sa kanyang bahay para kumuha ng itak.
Dito na umawat ang naka-day off na si PO1 Jefferson Ardiosa ngunit siya naman ang pinagbalingan ng galit ni Fabrigas.
Natumba si Ardiosa at nagtangka si Fabrigas na tagain ito, kaya bumunot na ng baril ang pulis at binaril ito sa ulo at balikat gamit ang kanyang service firearm.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng Vigan City Police tungkol sa insidente. Samantala, desidido ang live in partner ni Fabrigas na kasuhan si Ardiosa.