Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Colmenares na base sa kanilang pag-aaral aabot ng 1.9 Trilyong piso ang labis na buwis na ipinapataw sa mga mamamayan sa loob ng 20 taon. Mula aniya noong 1987, hindi binago ang 32% na tax rate sa mga kumikita ng P500,00 annually. Base sa datos ng Philippines Statistics Authority, ang P500,000 ngayong 2015 ay nasa P2.6 million na ang value.
“Bumababa ang value ng pera tumataas ang inflation. Ang ginawa ng gobyerno hindi talaga nila ginalaw yun kasi hindi naman umaangal ang mga taxpayers, e. Parang hindi masyadong nagkakaroon ng boses.”
Ani Colmenares. Ipinaliwanag pa ng mambabatas na nakasaad mismo sa saligang batas na “progressive” dapat ang taxation. “yung kumikita ng P500,000 a year , o P40,000 a month dapat ang binabayarang tax ay 10-12 % lang.” Sa kabila nito ay umaasa si Colmenares na maipapasa sa dalawang kapulungan ng kongreso ang panukalang ibaba ang income tax.
Nilinaw din ni Colmenares na hind makakasama sa ekonomiya ang nasabing panukala at maaaring makabuti pa aniya dahil tataas ang purchasing power ng maraming manggagawa. “napakalaki ng suporta nito sa House at napakalaki ng suporta din sa Senate.
“Ang hinihingi (ko) sa mga kasamahan ko sa House – Liberal Party ka man o hindi, majority ka man o minority … Once in a while you stand to what you believe is right eh”. Nanawagan si Colmenares kay Pangulong Benigno Aquino III na pakinggan ang hinaing sa buwis ng mga angkaraniwang mamayan.