Bangkay ng isang retiradong US Army, natagpuang naaagnas na sa isang gusali sa Quezon City

Tumambad sa mga otoridad ang naaagnas na bangkay ng isang retiradong US Army nang buksan ang isang apartment sa Barangay Paang Bundok, Quezon City.

Batay sa ulat, kinilala ang nasabing bangkay na si Wilson Tan.

Nabatid na ipinagbigay-alam ng may-ari ng apartment building sa mga otoridad ang masamang amoy na nagmumula sa unit ni Tan.

Ayon kay Alejandro Cruz, may-ari ng nasabing gusali, simula pa noong nakaraang Sabado ay may naaamoy na sila sa kwarto ni Tan.

Unang akala niya aniya ay patay na daga lamang ito, pero napansin niya na ilang araw nang hindi nakikita si Tan kung kaya’t ipinagbigay alam na niya ito sa mga otoridad.

Sinubukan hintayin ng mga otoridad ang pagbalik ng may-ari ng kwarto dahil dala nito ang susi pero nang walang dumating ay pinasok na nila ito at dito na nakita ang naaagnas na bangkay.

Hindi naman alam ni Cruz kung mayroong kamag-anak si Tan dito sa Pilipinas.

Iniimbestigahan na ngayon ng mga pulis kung mayroong bang foul play na naganap sa insidente.

 

 

 

 

 

 

Read more...