WATCH: 2 patay, 4 sugatan sa magkakahiwalay na aksidenteng kinasasangkutan ng motorsiklo

Kuha ni Justinne Punsalang

Dalawang motorcycle riders ang patay habang apat pa ang sugatan sa magkakahiwalay na aksidenteng sangkot ang motorsiklo sa Quezon City at sa Valenzuela City.

Sa loob ng UP Campus, patay ang 37 anyos na si Antonio Rocamora Jr., matapos mabiktima ng hit and run.

Ayon sa nakasaksi, isang sasakyan ang nakita niyang sumalpok sa motorsiklo ni Rocamora dahilan para tumilapon ang rider.

Sa EDSA-Quezon Avenue naman, patay ang lalaking angkas ng motorsiklo at sugatan ang driver nang bumangga sa poste ng ilaw at saka pumailalim sa isang SUV.

Ayon sa driver ng SUV, binabagtas niya ang EDSA northbound nang mabilis na kumaliwa ang motorsiklo dahilan para sumalpok ito sa poste at pumailalim sa kaniyang sasakyan.

Sa Tandang Sora sa Quezon City, putok ang kilay at sugatan sa paa ang motorcycle rider na si Joel Tabula matapos bumangga sa isang drum dahilan para tumilapon siya mula sa sinasakyang motorsiklo.

Habang sa Valenzuela City, sugatan ang mag-pinsan matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang barangay patrol.

Kapwa walang suot na helmet ang dalawa at aminado ring sila ay nakainom.

Narito ang ulat ni Justinne Punsalang:

 

 

 

 

 

 

 

Read more...