5 sugatan sa pagsabog sa isang gusali sa Tel Aviv, Israel

Sugatan ang limang katao sa pagsabog na naganap sa isang gusali sa Tel Aviv, Israel na sinundan ng malaking sunog.

Matapos ang pagsabog, gumuho ang gusali at sumiklab ang apoy sa isang gusdali sa Yeffet Street sa Jaffa.

Apat ang nilapatan ng lunas sa rumespondeng ambulansya habang isang 40-anyos na lalaki ang nagtamo ng matinding sunog sa kaniyang katawan.

Patuloy pa ang isinasagawang rescue operations ng mga rumespondeng bumbero dahil baka mayroon pang na-trap sa gumuhong gusali.

Pawang construction material umano ang laman ng gusali at wala namang naninirahan dito.

Inaalam pa kung ano ang naging dahilan ng pagsabog.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...