Habang sa QCPD Station 10 naman lumapit ang isang babaeng bank teller na hinoldap sa loob ng kaparehong taxi.
Ayon sa receptionist na si Marie Vic Dizon, sumakay siya sa taxi na may Plate No. TXI 880 sa Emerald Avenue sa Pasig.
Halos kasabay niya ring sumakay ang dalawang lalaki na tinutukan siya ng baril at agad nagdeklara ng holdup.
Aniya, nagpaikot-ikot sila hanggang makarating sa Barangay Bagong Lipunan sa Quezon City kung saan siya pinababa.
Natangay mula sa biktima ang isang cellphone at isang libong pisong cash.
At bago siya pababain ay binigyan pa muna siya ng ₱200 para sa pamasahe.
Samantala, gayundin ang kwento ng biktimang bank teller na hindi na nagpabanggit ng pangalan.
Aniya, sa kaparehong kalye rin siya sumakay at sa kaparehong taxi.
Dagdag nito, buong bag ang tinangay mula sa kanya at iwinithdraw pa ang ₱20,000 niyang pera mula sa ATM sa Tomas Morato.
Kapwa itinurn over sa Pasig Police ang mga kaso.