“Partido Pilipinas nina Grace at Chiz, gimmick lang”-Osmeña

SEC. PAJE / JUNE 3, 2014 Senator Sergio Osmena questions Environment Secretary Ramon Paje during the confirmation hearing by the Commission on Appointments at the Senate, Pasay City on Tuesday. (FOR CHRISTINE AVENDANO STORY) INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA

Isang political gimmick lamang ang tingin ni to Senador Sergio Osmeña III sa Partido Pilipinas nina Senador Grace Poe at Senador Chiz Escudero.

Sa Club Filipino, kasabay ng opisyal na pahayag ng kanilang tandem sa 2016 Elections ay inihayag nina Poe at Escudero na sila ay mananatiling independent at tatakbo sa Partido ng Pilipinas na anila ay partido ng mamamayan. Sabin ni Osmeña, pawang motherhood statements ang binitiwan nina Poe at Escudero ngunit walang malinaw na plataporma.

“Hindi ito kumakatawan sa isang malinaw na prinsipyong pulitikal,” ani Osmeña. Ani Osmeña na isang political strategist, walang sinumang kandidato ang makapagsasabing independent sila dahil tiyak na tatanggap at tatanggap sila ng tulong lalo na sa kampanya.

Ang partido kung tutuusin ay hindi mahalaga sa halalan sa Pilipinas dahil ang mga kandidato mismo at ang kalakasan ng kandidato ang magtatakda ng suporta at mga alyansa ani Osmeña. Kahit na ang pinakamalaki ngayong partido na Liberal Party ani Osmeña ay nangangailangan din ng tulong ng ibang partido at bawat eleksiyon ay kuwento ng mga alyansa at ugnayan sa iba’t ibang taga suporta, indibidwal man o grupo.

Hindi ani Osmeña ang pagsasabi lamang na independent ang isang kandidato ang magpapatunay na malaya nga ito sa anumang impluwensiya ng ibang partido politikal o mayayamang negosyante o indibidwal.

Read more...