Ayon kay Aguirre, makakatulong ito sa Department of Justice (DOJ) na masolusyunan ang kanilang problema sa kakulangan ng mga prosecutors.
Kwento ng kalihim, sa huli nilang pagpupulong, hiniling niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay na sa kaniya ang kapangyarihan ng pagtatalaga ng mga prosecutors.
Sa ngayon ay ginagawan na aniya ng paraan ng Office of the President na mapabilis ang pagtatalaga ng mga prosecutors, gayunman, dahil sa dami ng ginagawa ng opisina ay patuloy itong naaantala.
Samantala, aminado naman siya na maaring kailanganing amyendahan ang National Prosecution Service law dahil sa kaniyang apela upang maibigay sa DOJ ang nasabing kapangyarihan.
Una nang sinabi ni Aguirre na nasa higit 500 na prosecutors pa ang kailangan para mapunan ang backlog.