Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority rescue Chito Prado, dalawang lane sa northbound lane sa bahagi Quirino-Guanzon intersection ang nasakop ng insidente.
Naglalaman ang naturang truck ng dalawampu’t isang tonelada ng mga rubber matting.
Kwento aniya ng drayber, hindi pantay ang bigat ng laman ng trak kung kaya ito nawalan ng balanse.
Giit naman ng drayber na si Alan Razon, mabagal lang ang takbo nito dahil intersection ang tinatahak na kalsada at masikip aniya ang trapiko.
Bunsod nito, sinabi ng opisyal na posibleng maharap ang drayber sa kasong reckless imprudence resulting in damage of government properties bunsod ng tinamong pinsala sa tumumbang trak.
Walang nasugatan sa naturang aksidente.