Muling magpapatupad ng dagdag singil sa kanilang mga produktong petrolyo ang ilang mga kumpanya ng langis bukas ng umaga araw ng Martes.
Sa inilabas na anunsyo ng Department of Energy, may kaugnayan pa rin sa malikot na galaw ng bentahan ng langis sa world market ang panibagong dagdag presyo sa ilang mga petroleum products sa bansa.
Umaabot sa P0.35 ang dagdag sa presyo ng diesel samantalang P0.25 naman sa halaga ng kada litro ng kerosene o at mananatili naman sa kasalukuyang halaga ang presyo ng gasolina.
Kabilang sa mga kumpanyang nagsabi na magpapatupad sila ng dagdag singil sa ibinebenta nilang diesel at kerosene ay ang Seaoil, Shell, Caltex, Jetti, Phoenix, Eastern Petroleum at Unioil.
Tataas rin ang halaga ng ibinebenteng diesel at kerosene ng Clean Fuel, Metro, Petron, PTT at Total.
Alas-sais ng umaga bukas magiging epektibo ang dagdag singil sa diesel at gaas.