Muslim groups nagpakita ng suporta sa muling pagsusulong sa BBL

Inquirer file photo

Nagtipon ang libu-libong katao sa old provincial capitol building sa Sultan Kudarat, Maguindanao para ipakita ang suporta sa pagpasa ng Bagsamoro Basic Law (BBL).

Dumalo sa pagtitipon si Autonomous Region on Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Hataman.

Aniya, nandun siya hindi lamang bilang isang tagasuporta ng BBL. Naniniwala si Hataman na ito rin ang susi sa matagalang kapayapaan.

Ayon kay dating Rep. Pangalian Balindong, napapanahon na para maisabatas ang BBL ngayong isang Mindanaoan ang pangulo ng bansa at ang mga lider ng Kamara.

Nagpakita rin ng suporta si Cotabato Archbishop Cardinal Orlando Quevedo. Aniya, ang panukalang batas ang tatapos sa lahat ng tribal biases at religious prejudices.

Samantala, iprinesenta rin ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) peace pact implementing chair Mohagher Iqbal ang manifestos at resolutions mula sa iba’t ibang sektor at grupo sa Mindanao na nagpapakita ng suporta sa pagpasa ng BBL.

Read more...