WATCH: Lalaki, inireklamo sa hindi pagbabayad sa sinakyang taxi; ang dalang grocery ang gustong ibayad sa driver

Wala pang tulog, walang kain at wala pang pambayad ng boundary ang taxi driver na si Jose Amboy nang dumulog sa tanggapan ng Manila Police District Station 4.

Ang reklamo niya ang pasahero na nangoyo sa kaniya at hindi nagbayad ng pamasahe na aabot sa mahigit P1,000.

Kwento ng 67-anyos na biktima, pasado alas-7:00 ng gabi ng sumakay sa kanya ang suspek na si Joseph Cruz kasama ang kaibigan nito sa Lacson St., Sampaloc at nagpahatid papunta ng Las Piñas.

Mula Las Piñas, nagpahatid ang pasahero pabalik ng Lacson, at mula sa Lacson, muling nagpahatid sa Mindanao Avenue Extension.

Galing Mindanao extension gusto na naman ng suspek na magpahatid sa isang hotel sa España, Maynila, pero nagpasya na ang driver ng taxi na idaan ang pasahero sa himpilan ng pulisya.

Narito ang report ni Mark Makalalad:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...