Pambato ng South Africa, itinanghal na Miss Universe

Naiuwi ng pambato ng South Africa ang korona para sa Miss Universe Pageant.

Sa katatapos lamang na kompetisyon na ginanap sa Hollywood Planet sa Las Vegas, si Demi-Leigh Nel-Peters ang nagwagi mula sa 92 mga kandidata.

Sa final question, pare-pareho ang tinanong sa tatlong kandidata.

Ang tanong ay “What quality in your self are you most proud of and how will you apply that quality to your tome as Miss Universe?”

Sa kaniyang sagot sinabi ni Miss South Africa na confidence, strong at being able to do what is ask for ang kaniyang mga katangian.

Si Davina Bennett ng Jamaica ang itinanghal na 2nd runner-up habang Laura González naman ng Colombia ang 1st runner-up.

Nakaabot naman sa top 10 ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...