Pakistani, arestado matapos makuhanan ng iligal na droga sa General Santos City

Naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Pakistani at asawang Pinay matapos makuhanan ng iligal na droga sa General Santos City.

Ayon sa PDEA, nakilala ang mga suspek na sina Shazad Khan at Anjelie Osama.

Nagsagawa ang PDEA ng search operation sa bahay ng mag-asawa sa Purok Malakas, Barangay San Isidro sa General Santos City bandang 11:30 ng gabi ng Linggo.

Nakuha ng mga operatiba ng PDEA ang dalawang pakete ng shabu sa bahay nina Khan at Anjelie.

Dahil dito, mahaharap ang mag-asawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

 

 

 

Read more...