Magkakasunod na tinawag ang tig-aapat na mga kandidata mula sa tatlong grupo na hinati-hati sa Rehiyon.
Mula sa Asia Pacific and Africa, pasok sa top 16 ang mga sumusunod na kandidata:
- Thailand
- Sri Lanka
- Gana
- South Africa
Mula naman sa Europe Region, pasok sa top 16 ang mga sumusunod na kandidata:
- Spain
- Ireland
- Croatia
- Great Britain
Mula sa The Americas, pasok sa top 16 ang mga sumusunod na kandidata:
- Colombia
- USA
- Brazil
- Canada
Pasok din sa top 16 ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters matapos na makapasok sa wild card.
Sa maiksing panayam sa kaniya ni Steve Harvey sinabi ni Peters na karangalan na katawanin niya ang bansa sa Miss Universe, at masaya siya sa suporta ng sambayanang Pilipino.
Kabilang sa nakapasok sa wild card ang mga sumusunod:
- Philippines
- Venezuela
- Jamaica
- China
Ang nasabing mga kandidata ay maglalalaban-laban sa swimsuit at evening gown bago muling kumuha ng top 10, top 5 at top 3.