Rachel Peters, paborito ng American model na si Ashley Grahams

Paborito ng isa sa mga nagsilbing pageant insiders sa Miss Universe ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters.

Isa ang American model na si Ahsley Graham sa tatlong backstage pageant insiders sa Miss Universe coronation.

Maliban kay Graham, nagsilbi ring pageant insiders sina TV personality na si Carson Kressley at runway expert na si Lu Sierra.

Matapos rumampa ang mga kandidata mula sa Asia Pacific and Africa, sinabi ni Ashley Graham na ang kandidata ng Pilipinas nag kaniyang paborito.

Malakas din ang hiyawan ng rumampa na si Rachel Peters sa stage.

 

 

Read more...