Gilas, hindi dapat magpaka-kampante sa laban vs Chinese Taipei

 

Nagbabala si Jayson Castro na hindi dapat magpaka-kampante ang Gilas Pilipinas na sasabak mamaya laban sa Chinese Taipei sa 2017 FIBA World Cup qualifiers.

Ayon kay Castro, naniniwala siyang hindi sila dapat masyadong maging kampante sa kanilang magiging laban ngayong araw dahil minsan na silang natalo ng Chinese Taipei.

Matatandaang noong 2016 FIBA Asia Challenge sa Iran ay nagkatunggali na ang dalawang koponan, kung saan dinaig ng Taipei ang Gilas.

Ani Castro, isang magandang halimbawa ang pagkatalo nila noon sa Taipei para mahugutan ng aral at motivation upang mas pag-igihan na huwag na itong maulit.

Samantala, inanunsyo rin ng Gilas na parehong line-up pa rin ng sumabak sa laban kontra Japan ang bibida sa court ngayong araw.

Ang nasabing lineup ay kabibilangan nina June Mar Fajardo, Gabe Norwood, Calvin Abueva, Japeth Aguilar, Allein Maliksi, Troy Rosario, Kevin Alas, Roger Pogoy, Matthew Wright at Kiefer Ravena, na pangungunahan nina Jayson Castro at Andray Blatche.

Read more...