De Lima, binigyan ng rosaryo ng Santo Papa

 

Todo ang pasasalamat ni Senador Leila De Lima kay Pope Francis dahil sa ibinigay nitong rosaryo.

Sa isang statement, inihayag ng senadora na natanggap niya ang rosary kalakip ang isang liham mula sa Santo Papa na ipinadala nito.

Personal umanong iniabot ng PNP Chaplain ang rosaryo noong November 22 sa loob ng PNP Custodial Center sa kampo Crame kung saan nakadetine ang senadora.

Isinasaad aniya ng liham ang katiyakan ng Santo Papa na ipinagdarasal nito ang senadora.

Tatlong buwan na ang nakararaan nang sumulat si De Lima sa Santo Papa na humihiling na siya at ang sambayanang Pilipino ay ipagdasal nito at maging ang libu-libong mga biktima ng extrajudicial killings sa bansa.

Nangako rin si De Lima na patuloy na ipaglalaban ang kapakanan ng sambayanan sa kabila ng aniya’y political persecution na tinatanggap sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

 

Read more...