Bangkay ng babae, natagpuan sa creek sa Valenzuela

 

Nananatiling ‘unidentified’ o walang pagkakakilanlan ang bangkay ng babae na natagpuang lumulutang sa isang creek sa Valenzuela City, Linggo ng umaga.

Nadiskubre ang bangkay ng babaeng biktima sa mababaw na creek sa kahabaan ng Rincon Road ng mga residente na napadaan sa lugar.

Nang matagpuan, nakasuot ang biktima ng pulang t-shirt at printed na pantalon at wala nang iba pang anumang pagkakakilanlan na nakuha sa labi nito.

Posibleng nasa pagitan ng 30 hanggang 35 taong gulang ang babae, ayon sa mga otoridad.

Hinala ng mga imbestigador ng Valenzuela police, posibleng itinapon lamang ang bangkay sa naturang creek.

Batay sa cctv footage ng barangay, isang itim na kotse ang nakitang huminto sa lugar Linggo ng madaling-araw bago natagpuan ang bangkay ng biktima.

Read more...