Opisyal nang nagtapos ang mistulang ‘pagsusunog ng kilay’ ng nasa halos pitong libong bar examinees sa pagtatapos ng apat na sunud-sunod na linggong pagkuha ng pagsusulit ng mga ito, kahapon.
Linggo ng hapon, masayang sinalubong ng kanilang mga kaibigan at mga mahal sa buhay sa tradisyunal na ‘Salubong’ ang kumuha ng bar sa labas ng University of Santo Tomas sa España, Maynila upang iparamdam sa mga ito ang tagumpay sa likod ng kanilang pinagdaanang paghihirap.
Sa kabuuan, nasa 6,750 lamang ang kumuha ng ikahuling yugto ng bar exams, kahapon.
Mas mababa ito ng 477 matapos mabigo ang mga ito na dumalo sa naunang tatlong linggo ng pagsusulit.
Sa kabuuan, naging mapayapa naman ang bar exams ngayong taon.
Karaniwang inilalabas ang resulta ng bar tuwing Abril o Mayo ng susunod na taon.
Scenes from #BAR2017 #Salubong2017 along Espana, Blvd. Photos from @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/7zaC2BSWB7
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 26, 2017
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 26, 2017