Inopacan, Leyte ex-mayor, hinatulang makulong sa kasong malversation

 

Nahatulang guilty ng Sandiganbayan sa kasong malversation of public funds ang dating alkalde ng Inopacan, Leyte na si mayor Alfredo Lloren.

Pinatawan ng dalawa hanggang anim na taong pagkakabilanggo ang alkalde matapos umanong mabigong maiprisinta ang nabiling backhoe  sa halagang P380,000 ng lokal na pamahalaan noong 2003.

Ayon sa desisyon ng Third Division ng Sandiganbayan, bukod kay Lloren, guilty rin sa kaparehong kaso si municipal accountant Sergio Morata at Eriberta Palo, municipal treasurer.

Ipinag-utos din ng anti-graft court ang habambuhay na pagbabawal na humawak pa ang mga ito ng anumang posisyon sa gobyerno.

Ipinasosoli rin ng Sandiganbayan ang naturang halaga na kasama na ang kaukulang interes nito.

Read more...