Rachel Peters, kabilang sa ‘hot picks’ ng Missosology para sa 66th Miss Universe

 

Nakakuha ng puwesto ang kandidata ng Pilipinas sa 2017 Miss Universe na si Rachel Peters sa top Final Hot Picks ng pageant website na Missosology.

Pang-apat si Peters sa nasabing listahan habang nanguna naman si Miss Thailand Maria Poonlertlarp na sinundan nina Miss USA Kara McCullough at Miss Venezuela Keysi Sayago.

Ayon sa Missosology, napansin nila si Peters dahil sa palaban na katangian nito, at pagbibigay ng katiyakan sa kanyang Pinoy fans na maiuuwi niya ang Miss Universe crown.

Matatandaang ilang araw bago ang preliminary competition, kumalat sa social media ang larawan ng evening gown ni Peters, pero hindi siya nagpatinag dito.

Sinabi naman ng trainer mentor ni Peters na mayroong pasabog ang kandidata sa mismong araw ng coronation night.

 

Read more...