Petron, nakatutok sa nasunog na gas station sa Mandaluyong

 

Sinigurado ng Petron na patuloy ang kanilang pagmomonitor sa sitwasyon ng kanilang gas station na nasunog sa panulukan ng Shaw Boulevard at Wack-wack Road sa Mandaluyong City.

Sa isang pahayag, sinabi ng naturang kumpanya na magbibigay sila ng ayuda sa mga naapektuhan ng sunog, kabilang ang dalawang biktimang kasalukuyang nagpapagamot sa ospital.

Biyernes ng hapon nang magsimula ang sunog sa naturang gas station dahil sa pagbangga ng isang backhoe sa isang tangke ng LPG.

Nagsimula na ang imbestigasyon ng Department of Energy (DOE) patungkol sa insidente at ayon sa kagawaran, hindi sila magdadalawang isip na magpataw ng karampatang parusa sakaling mayroong paglabag sa safety standards ang kumpanya.

Read more...