Ito ay inorganisa at gaganapin sa Old Capitol ng Maguindanao bilang suporta sa Bangsamoro Basic Law.
Layunin ng naturang pagtitipon na ipaalam sa mga tao ang status ng BBL, na layunin namang magkaroon ng panibagong autonomous government para sa Bangsamoro.
Ang naturang event ay pinangunahan ng Bangsamoro Transition Commission, Office of the President, Moro Islamic Liberation Front (MILF), at Moro National Liberation Front (MNLF).
Ayon kay BTS chairman at MILF First Vice Chairman Ghazali Jaafar, ipinakalat ang mga miyembro ng MILF, katuwang ang mga sundalo at pulis, para madagdagan ang seguridad sa mga kalsada. Sila rin aniya ang nagbabantay sa mga checkpoint sa lalawigan.
Dagdag pa ni Jaafar, nakataktang dumalo sa naturang pagtitipon ang alkalde ng Sultan Kudarat na si Datu Tucao Mastura at MNLF Chairman Muslimin Sema.
Samantala, ayon naman sa mga otoridad, wala silang namonitor na banta sa seguridad na maaaring makaantala sa isasagawang event.