Halos 5 milyong pakete ng sigarilyo ng Mighty Corporation, sinira

 

Sinira na ang halos limang milyong pakete ng sigarilyo na pag-aari ng Mighty Corporation sa isang destruction ceremony na ginanap sa Holcim Philippines Incorporated Geocycle compound sa Bunawan, Davao ngayong araw.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Finance (DOF) na ang mga sinirang sigarilyo ay ang mga kinumpiska ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) noong March 6 matapos nitong magkaroon ng pekeng tax stamps.

Ayon pa sa kagawaran, ginamit ang ‘co-processing’ method ng Holcim Philippines para masigurado ang ‘total thermal destruction’ ng mga sigarilyo.

Bukod sa naturang batch ng mga sigarilyo, nakatakda ring sirain ng pamahalaan ang hindi bababa sa apat pang batches ng sigarilyo ng Mighty Corporation. Ito ay ang mga nakumpiska sa San Simon, Pampanga; San Ildefonso, Bulacan; Tacloban City; at Cebu.

May kabuuang halaga ang mga sinirang sigarilyo na P142.44 milyong piso.

Read more...