15 pasahero ng PAL sugatan sa malakas na turbulence habang nasa himpapawid

PAl file photoKinumpirma ng pamunuan ng Philippine Airlines o PAL na nagtamo ng minor injuries ang labinglimang pasahero ng isa nilang flight patungong Maynila matapos makaranas ng turbulence habang nasa himpapawid.

Ang flight PR 101 na mayroong 132 na pasahero batay sa inisyal na impormasyon mula sa PAL, ay umalis sa Honolulu alas 12:06 ng tanghali ngayong araw.

“After Philippine Airlines flight PR101 departed Honolulu at 12:06 noon today, the Airbus 340 aircraft experienced clear-air-turbulence enroute to Manila. The incident unfortunately resulted to minor injuries to 15 out of the 132 passengers onboard,” ayon sa pahayag ng PAL.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, hiling ng piloto ng nasabing eroplano na mapayagan silang makapag-priority landing.

Alas 4:20 ngayong hapon nang makalapag sa NAIA Terminal 2 ang eroplano.

Bago pa ang paglapag, nag-request na ng medical emergency ang piloto para agad magamot ang mga nasaktang pasahero.

Batay sa paunang report na nakuha ng CAAP, dalawa sa pasahero ang nagtamo ng galos at sampu naman ang dumaing ng pananakit ng likod.

Read more...