9 na tindahan sa Tondo, ipinasara dahil sa hindi pagbabayad ng buwis

birIpinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang siyam na tindahan sa Tondo, Maynila dahil sa hindi nababayarang buwis na nagkakahalaga ng aabot sa P25 million.

Ayon sa BIR, kabilang sa mga ipinasara ang mga tindahan sa kahabaan ng Santo Cristo Street sa Tondo na ADD 1 Enterprise, BS Exponent Ville Marketing, Evertrix Enterprises, JPC Candy Shoppe Inc., Lorex Bazar Company, MKY General Merchandise, WBT Pharmacy and General Merchandise, YUSUN Inc., at ZYX Enterprises.

Hindi umano idineklara ng tama ng nasabing mga establisyimento ang kanilang taxable sales na malinaw na paglabag sa Tax Code o National Internal Revenue Code of 1997.

Bigo din ang nasabing mga kumpanya na makatugon sa requirements, 48-oras matapos ang notice na ibinigay ng BIR.

Dahil dito, sinabi ni BIR Deputy Commissioner Nelson M. Aspe, ipinasara na ang nasabing mga tindahan sa ilalim ng programang “Oplan Kandado” ng ahensya.

Read more...