Ito ang sinabi ng chairman ng komite na si Representative Reynaldo Umali.
Hindi rin aniya nangangailangan ng pagsang-ayon ni Speaker Pantaleon Alvarez sakaling ipag-utos ng panel ang pag-aresto sa punong mahistrado.
Si Sereno ay tumangging humarap sa komite para sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya sa reklamong impeachment na ngayon ay pinagdedebatehan ng House panel kung may sapat na batayan.
Sinabi naman ng isa sa mga tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Carlo Cruz na dapat ikonsidera ng komite ni Umali ang prinsipyo ng separation of powers ng tatlong sangay ng gobyerno.
Pero ipinunto ni Umali na si Sereno ay ang respondent o inaakusahan sa impeachment case.
Sinagot naman ito ni Cruz sa pagsasabing si Sereno pa rin ang Punong Mahistrado kahit pa siya ay inaakusahan.