Ilang domestic flights, kinansela na dahil sa sama ng panahon

Kinansela ang ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport ngayong araw ng Linggo, November 26.

Ito’y dahil sa umiiral na sama ng panahon sa bansa.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado na ang apat na Cebu Pacific flights bunsod ng nararanasang sama ng panahon.

Apektado ang biyaheng 5J 506 at 507 Manila – Tuguegarao – Manila at 5J 504 at 505 Manila – Tuguegarao – Manila.

Bukod dito, kanselado na rin ang biyahe ng PAL Express na 2P 2014 at 2015 Manila – Tuguegarao – Manila.

Payo naman ng MIAA sa mga apektadong pasahero, makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng pamasahe.

Read more...