Sa isang pahayag, sinabi ni PAGASA administrator Vicente Malano na September pa lamang ay nagsisimula nang mabuo ang La Niña na magdadala ng mas malakas sa katamtamang pag-uulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Dagdag pa ni Malano, idudulot rin ng La Niña ang bahagyang mas mainit na temperatura ngunit magdadala naman ng pabugso-bugsong malamig na hangin ang northeast monsoon sa hilaga at silangang bahagi ng Luzon.
Sakaling tuluyang mabuo ang La Niña, mararanasan ang mga tropical cyclone sa nalalabing bahagi ng taon at aabot ito hanggang sa unang bahagi ng 2018.
Pagtitiyak naman ni Malano, inaasahang hindi na lalagpas pa ng Marso sa susunod na taon ang La Niña.
Samantala, posible namang mabuo o pumasok sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ang dalawa hanggang limang bagyo simula December 2017 hanggang May 2018.